Bus operators inatasang asistihan ang mga pasaherong stranded sa mga terminal at pantalan dahil sa bagyong Jenny

By Dona Dominguez-Cargullo August 27, 2019 - 09:45 AM

Pinag-iingat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga pampasaherong sasakyan sa kanilang pagbiyahe dahil sa hindi magandang lagay ng panahon dulot ng bagyong Jenny.

Sa abiso ng LTFRB, inabisuhan ang mga PUVs na maging maingat sa lansangan.

Ang mga operator naman ng bus ay inatasang tugunan ang pangangailangan ng mga pasahero nila na stranded sa mga terminal o mga pantalan.

Inabisuhan din ang mga bus na sumasakay ng mga RoRo para makatawid ng dagat na huwag nang umalis sa terminal kung alam nilang hindi makapaglalayag ang barkong sasakyan.

TAGS: advisory to motorists, effect of tropical depression jenny, ltfrb, advisory to motorists, effect of tropical depression jenny, ltfrb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.