Poverty incidence kayang mapababa sa 2022 – Rep. Abu
Tiwala si Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu na makatutulong ang mabilisang pagpasa sa panukalang 2020 national budget upang mapababa ang antas ng kahirapan sa bansa.
Ayon kay Abu, makakamit ang target ni Pangulong Rodrigo Duterte na poverty incidence sa bansa na 14 percent sa 2022 kung maipapasa sa oras ang budget.
Sinabi nito na hindi nila hahayaan na maantala ang pagpasa sa P4.1 trillion national budget dahil makakaapekto ito sa poverty reduction efforts.
Makaaasa rin ayon kay Abu ang publiko na mapapabilis ang pagsasakatuparan ng mga gawaing pang imprastraktura sa pamamagitan ng pondo na ilalaan ng kongreso.
Paliwanag nito, ang implementasyon ng mga proyekto tulad ng pagpapagawa ng mga ospitals, schools at bagong daan ay magbibigay ng dagdag na trabaho lalo na sa marginalized sector.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.