Kaso ng tigdas sa Pilipinas, higit 39,000 na

By Rhommel Balasbas August 27, 2019 - 04:40 AM

Nakapagtala ng 175 na bagong kaso ng tigdas sa bansa sa loob lamang ng isang linggo ayon sa Department of Health (DOH).

Sa inilabas na datos ng Epidemiology Bureau ng DOH kahapon, araw ng Lunes, ang 175 na bagong kaso ng tigdas ay naitala noong July 7 hanggang 13.

Dahil dito, umabot na sa 39,184 ang measles cases sa bansa kung saan 533 ang nasawi, limang beses na mas mataas kumpara sa bilang ng namatay noong 2018.

Karamihan sa mga kaso ng tigdas ay naitala sa CALABARZON na may 7,213; sinundan ng National Capital Region, 6,969; at Central Luzon, 6,350.

Pinakamarami rin ang nasawi sa CALABARZON at NCR kung saan may idineklarang outbreak ang DOH.

Samantala, naglabas ang World Health Organization (WHO) ng Measles Rubella Update para sa buwan ng Agosto.

Sa ulat ng WHO, pangatlo ang Pilipinas sa may major outbreaks ng tigdas sa mga bansa sa buong mundo kung pagbabatayan ay ang bilang ng kaso mula July 2018 hanggang June 2019.

Ang mga bansa pa na may major outbreaks ng sakit ay ang Angola, Cameroon, Chad, Kazakhstan, Nigeria, South Sudan, Sudan, at Thailand.

Ayon sa WHO, mula January 1 hanggang July 31, ang kaso ng tigdas sa 182 bansa ay umabot na sa 364,808.

Sinabi ng WHO na patuloy ang paglobo ng kaso ng sakit kung saan milyun-milyong katao ang nanganganib na maapektuhan.

Ang bilang ng kaso ng sakit ay ang pinakamataas na umano simula taong 2006.

“Measles outbreaks continue to spread rapidly around the world… with millions of people globally at risk of the disease,” ayon sa WHO.

TAGS: Department of Health, Measles, tigdas, World Health Organization (WHO), Department of Health, Measles, tigdas, World Health Organization (WHO)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.