Bagyong Jenny bumilis pa ang kilos; signal #1 nakataas sa Metro Manila at 28 lalawigan

By Dona Dominguez-Cargullo August 27, 2019 - 05:43 AM

Bumilis pa ang kilos ng tropical depression Jenny na huling namataan ng PAGASA sa layong 395 kilometers East Northeast ng Virac, Catanduanes o sa layong 525 kilometers East ng Daet, Camarines Norte.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.

Nakataas na ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:

• Metro Manila
• Cagayan
• Isabela
• Quirino
• Nueva Vizcaya
• Apayao
• Abra
• Kalinga
• Mountain Province
• Ifugao
• Benguet
• Ilocos Norte
• Ilocos Sur
• La Union
• Pangasinan
• Aurora
• Nueva Ecija
• Tarlac
• Zambales
• Bataan
• Pampanga
• Bulacan
• Rizal
• northern portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands
• Cavite
• Laguna
• Camarines Norte
• northeastern portion ng Camarines Sur
• Catanduanes

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa lugar na mayroong nakataas na tropical cyclone wind signal sa malakas na hangin na dulot ng bagyong Jenny.

Inaasahan ding mamayang gabi o bukas ng umaga ay tatama sa kalupaan ng Aurora ang bagyo.

Ngayong umaga hanggang mamayang gabi, ang bagyong Jenny ay maghahatid ng hanggang sa madalas na katamtaman at malakas na buhos ng ulan sa Bicol Region, Samar Provinces, Quezon, Bulacan, Nueva Ecija, Aurora, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela at Cagayan.

Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas, at mga rehiyon ng Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Bangsamoro.

Pinag-iingat ang mga residente na naninirahan sa mabababang lugar sa posibleng pagbaha, habang pinag-iingat naman sa landslide ang mga naninirahan sa bulubunduking lugar.

TAGS: Pagasa, Tropical Depression Jenny, weather, Pagasa, Tropical Depression Jenny, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.