Ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon patuloy na uulanin

Makararanas pa rin ng patuloy na pag-ulan ang ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 5:13 ng umaga ng Martes, Aug. 27 ang Nueva Ecija, Pampanga, Laguna, Rizal, at Bulacan ay patuloy na makararanas ng katamtamang pag-ulan.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Quezon.

Ito ay dahil sa epekto ng tropical depression Jenny.

Muling maglalabas ng abiso ang PAGASA mamayang alas 8:00 ng umaga.

Read more...