Mga nagparehistro sa Comelec para sa 2020 BSKE higit 800,000 na

By Rhommel Balasbas August 27, 2019 - 05:29 AM

File photo

Nakatanggap na ang Commission on Elections (Comelec) ng higit 800,000 aplikasyon para sa voter registration bago ang May 2020 Baranggay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, hanggang August 24, umabot na sa 802,926 ang kabuuang aplikasyon.

Sa naturang bilang, 570,743 ay mula sa regular voters o 18 anyos pataas habang 232,183 ay mula sa Sangguniang Kabataan voters o edad 15 hanggang 17.

Nagsimula ang voter registration noong August 1 at tumatakbo mula Lunes hanggang Sabado kabilang ang holidays mula alas-8:00 hanggang alas-5:00 ng hapon.

Nagsasagawa rin ng satellite registration ang Comelec sa buong bansa para marami ang makaboto sa darating na halalan.

Ang mga SK voters noon na 18-anyos na ngayon ay hindi na kailangan pang magparehistro dahil ang kanilang pangalan ay awtomatikong maililipat sa regular list of voters.

Magtatapos ang voter registration sa September 30.

Umaasa ang Comelec na aabot sa halos 2 milyon ang makakapagparehistro para sa 2020 BSKE.

TAGS: 2020 BSKE, Commission on Elections (Comelec), voter registration, 2020 BSKE, Commission on Elections (Comelec), voter registration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.