Nagpaabot ang United Kingdom ng tulong-pinansyal para maibalik ang mga nasira sa naganap na sunog sa Amazon rainforest.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni British Prime Minister Boris Johnson na nasa $12.3 million o katumbas ng P645,344,112.43 ang halaga ng ilalaang tulong para sa Amazon.
Agad ibinigay ng British government ang tulong matapos ihayag ni French President Emmanuel Marcon sa G7 summit na nagkasundo ang mga world leader na tumulong sa mga bansang apektado ng wildfires.
Maliban kasi sa Brazil, apektado rin ang bahagi ng Bolivia, Colombia, Ecuador, French Guiana, Guyana, Peru, Suriname at Venezuela.
Ayon pa kay Johnson, mahalagang matalakay ng international community ang environmental issues ukol sa climate change at biodiversity.
Iginiit pa nito na hindi mahihinto ang climate change kung hindi poprotektahan ang kalikasan.