Alokasyon ng tubig para sa MWSS daragdagan na

Madaragdagan na ang alokasyon ng tubig sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), ayon sa National Water Resources Board (NWRB).

Ito ay matapos maabot ng Angat Dam ang normal operating water level, araw ng Lunes.

Sa isang panayam, sinabi ni NWRB executive director Sevillo David Jr. na mula sa 36 cubic meters per second, tataas na sa 40 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig sa MWSS.

Magiging epektibo ang pagtaas ng alokasyon sa unang araw ng Setyembre.

Kasabay nito, aalisin na rin ang suspensyon ng alokasyon ng tubig para sa irigasyon sa kaparehong petsa.

Ani David, posibleng magtuloy ang pagtataas ng tubig sa naturang dam sa Setyembre dahil sa mga inaasahang papasok na bagyo sa bansa.

Bandang 8:00, Lunes ng umaga, umabot na sa 180.07 meters ang antas ng tubig sa Angat Dam.

Maging ang ilang dam tulad ng Ipo at La Mesa ay pawang nadagdagan din ang lebel ng tubig.

Read more...