M3.9 na lindol naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-10:31 gabi ng Lunes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 246 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.

May lalim ang pagyanig na dalawang kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Dahil nasa katubigan, hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...