Foreign “gray ships” no approval no entry pa rin ayon sa Malacanang

By Chona Yu August 26, 2019 - 07:31 PM

Nilinaw ng Malacanang na hindi lahat ng barko na dumadaan sa karagatang sakop teritoryo ng Pilipinas ang kinakailangan na magbigay ng abiso sa pamahalaan.

Pahayag ito ng palasyo matapos magbabala si Pangulong Duterte noong August 20 na itataboy ng gobyerno ang mga foreign vessels na nasa teritoryo ng bansa ng walang paalam.

Partikular na naiirita ang pangulo sa mga Chinese ships na pumapasok sa Pilipinas sa Sibutu strait sa Tawi Tawi.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, tanging ang mga gray ships o ang mga barkong pandigma lamang ang kinakailangan na humingi ng permiso kung dadaan sa terroritorial waters ng Pilipinas.

Nakasaad sa United Nations Convention on the law of the Sea (UNCLOS) na hindi na kailangan na humingi ng permiso ng mga merchant ship kapag pumapasok sa territorial waters ng isang bansa.

Idinagdag pa ng kalihim na nais lamang ng pangulo na masigurong ligtas ang lahat ng dumadaan sa teritoryo Pilipinas.

TAGS: China, duterte, gray ships, panelo, UNCLOS, China, duterte, gray ships, panelo, UNCLOS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.