Rail expansion ang mabilis na solusyon sa Metro traffic, ayon kay Sen. Sonny Angara
Nangako si Senator Sonny Angara na agad pag-aaralan ang mga paraan para suportahan ang mga programa ng Department of Transportation (DOTr) na layon mapaluwag ang trapiko sa Metro Manila.
Ayon kay Angara, ang namumuno sa Senate Committee on Finance, ang pagsasaayos at expansion ng railway system ang nakikita niyang pinakamabilis na paraan.
Naisip niya ito matapos ang briefing ng DOTr sa hinihingi nilang P147 billion budget para sa susunod na taon.
Ayon sa senador may mga ginagawa naman ng hakbang ang kagawaran tulad ng rehabilitasyon ng MRT, ang pagsasabuhay ng PNR at ang nasimulan ng subway system project.
Sa briefing, sinabi ni Sec. Arthur Tugade na sa bawat tren na may walong bagon, 448 sasakyan ang katumbas nito at maaring mabawas sa mga kalsada.
Aminado naman si Angara na malaking hamon para sa DOTr ang pagsasaayos ng railway system sa bansa.
Nabatid na noon 1938, ang haba ng riles sa bansa ay 2,400 kilometro at ngayon ay 77 kilometro na lang ito kasama pa ang MRT at LRT systems.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.