Hiling ng Malakanyang sa DOJ ihinto muna ang proseso sa posibleng paglaya ni Sanchez – Guevarra

By Dona Dominguez-Cargullo August 26, 2019 - 11:36 AM

Sinabi ng Department of Justice (DOJ) na hiniling ng Malakanyang na i-hold muna ang posibleng pagpapalaya kay dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Ito ay habang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang usapin sa kaniyang paglaya.

Inihayag ito ni Justice Sec. Menardo Guevarra matapos sabihin ni Sen. Bong Go na hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DOJ at sa Bureau of Corrections na huwag palayain si Sanchez.

Ayon kay Guevarra ang request na natanggap niya mula sa Malakanyang ay ang itigil pansamantala ang pagproseso sa kaso ni Sanchez.

“The request that I received from Malacañang was to hold the processing of Mayor Sanchez’s case until all the factual and legal issues have been fully threshed out,” ani Guevarra.

TAGS: Antonio Sanchez, Menardo Guevarra, Palace, president duterte, Antonio Sanchez, Menardo Guevarra, Palace, president duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.