Lalaki patay makaraang barilin habang natutulog sa Naga City, Cebu

By Cebu Daily News, Dona Dominguez-Cargullo August 26, 2019 - 10:45 AM

Tuluyan nang hindi nagising ang isang lalaki makaraang barilin habang natutulog sa loob ng kaniyang bahay sa Naga City, Cebu.

Nakilala ang biktima na si Julius Cesar Alpos Aliganga, 22 anyos.

Binaril si Aliganga habang natutulog sa kaniyang kwarto, alas 2:00 ng madaling araw ng Lunes, Aug. 26.

Ayon kay P/Staff Sergeant Nikki Carlo Plarisan ng Naga City police, itinawag sa kanila ng isang concerned citizen ang insidente.

Nang dumating sila sa bahay ng biktima ay nadatnan nila ang duguang katawan ni Aliganga.

Nakuha sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng caliber 45 na baril.

Sa inisyal na pagsisiyasat ay dalawang suspek ang pumasok sa bahay ng biktima at saka siya binaril habang may tatlo pang nagsilbing lookout.

Aminado ang mga kaanak ni Aliganga na sangkot ito sa kalakaran ng ilegal na droga.

TAGS: ambush, anti-illegal drugs, cebu, drugs, Murder, naga city, ambush, anti-illegal drugs, cebu, drugs, Murder, naga city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.