Pagtulong sa kapwa, pagpapakita na rin ng kabayanihan ayon kay VP Robredo

August 26, 2019 - 09:42 AM

Ang pagtulong sa kapwa ay pagpapakita rin ng pagiging bayani.

Ito ang mensahe ni Vice President Leni Robredo ngayong ginugunita ang National Heroes Day.

Ayon kay Robredo, ang kalayaan at progreso ay makakamit hindi lamang dahil sa pagiging bayani ng isang tao kundi dahil sa ‘heroic acts’ ng bawat indibidwal.

Sinabi ni Robredo na wala din sa iisang pinuno ang ikagaganda ng kinabuksan ng bansa kundi sa pagtutulungan ng lahat.

Dagdag pa ni Robredo, sa panahong marami ang banta sa demokrasya at soberanya ng bansa, nawa ay patuloy na manindigan ang bawat isa para sa kalayaan at karapatang ipinaglaban ng mga naunang henerasyon.

TAGS: national heroes day, Radyo Inquirer, Vice President Leni Robredo, national heroes day, Radyo Inquirer, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.