Dalawang Chinese arestado sa Maynila dahil sa pagmamaneho ng lasing at pambabastos sa pulis

By Erwin Aguilon August 26, 2019 - 09:23 AM

MPD Photo
Kalaboso ang dalawang Chinese national dahil sa pagmamaneho ng lasing at pambabatos sa pulis sa Binondo, Maynila.

Nakilala ang mga suspek na sina Cai Fang Bin at Man-Man Chen ng mga tauhan ng MPD Station 11 sa C.M. Recto Avenue panulukan ng Sanchez Street sa Binondo.

Ayon kay MPD Station 11 commander Police Lt. Col. Noel Aliño nasita si Cai Fang Bin sa checkpoint dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan habang pambabastos naman sa mga pulis at resisting arrest naman ang dahilan ng paghuli sa kasama nito.

Wala din ayon kay Aliño na lisensya ang driver.

Nahaharap sa patong patong na kaso si Cai habang pahlabag naman sa Revised Penal Code may kinalaman sa resistance and disobedience to a person in authority or the agents of such person ang kasong kinakaharap ng kasama nito.

TAGS: arrested chinese nationals, Binondo, MPD, arrested chinese nationals, Binondo, MPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.