DOJ, BuCor inatasan ni Pangulong Duterte na huwag palayain si Antonio Sanchez

By Chona Yu August 26, 2019 - 08:56 AM

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Justice Secretary Menardo Guevarra at Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon na huwag palayain si convicted rapist at murderer at dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ito ang kunumpirma ngayon ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.

Ayon kay Go, ayaw kasi ng pangulo na makalaya mula sa New Bilibid Prisons (NBP) si Sanchez.

Una nang umani ng batikos ang napipintong paglaya ni Sanchez matapos pairalin ang Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance na maaring makalaya ang isang bilanggo kapag nagpakita ng magandang pag-uugali sa loob ng kulungan sa loob ng itinakdang panahon.

Ayon kay Go, pinag-aralan ni Pangulong Duterte ang nasabing batas at nakasaad doon na hindi kasama ang heinous crime.

Sa panig ni Go, sinabi nito na hindi rin siya pabor sa paglaya ni Sanchez.

Ayon kay Go, hindi na dapat na mangarap si Sanchez na makalabas ng kulungan dahil tiyak na iiksi lanang ang kanyang buhay.

Mas makabubuti aniyang manatili na lamang si Sanchez sa kulungan at hintayin na lamang na hatulan ni San Pedro.

TAGS: Antonio Sanchez, Bilibid, president duterte, Radyo Inquirer, Antonio Sanchez, Bilibid, president duterte, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.