Pagpapalit ng pangalan ng Camp Aguinaldo isinusulong sa Kamara
Isinusulong ni Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang pagpapalit ng pangalan ng headquarters ng Armed Forces of the Philippines na Camp General Emilio Aguinaldo sa General Antonio Luna.
Ang hakbang ni Pimentel ay bilang pagbibigay karangalan kay Antonio Luna.
Sa ilalim ng House Bill 4047 ni Pimenel layon nito na amyendahan ang Republic Act 4434 o ang 1965 na batas na nagpapait ng pangalang Camp Frank Murphy sa Camp General Emilio Aguinaldo.
Ang panukala ng kongresista ay inihain noong Agosto 20 subalit inilabas lang ito sa gabi ng paggunita ng National Heroes Day.
Sa ilalim ng panukala, na si Luna ay inilarawan ng mga historian bilang pinakamagaling at may kakayahang filipino generals noong Philippine-American war.
Si Luna ang noon ay Chief of staff ng Philippine Revolutionary Army ng 134 araw habang nasa kasagsagan ng giyera hanggang sa bruta siyang patayin noong Hunyo 5,1899 sa edad na 32.
Dahil dito kaya nararapat lamang bigyan ng pagkilala si Luna para sa pagiging makabayan niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.