Katumbas ng pang-isang buwan na ulan ang dami ng tubig-ulang bumuhos sa Ilocos Norte noong Biyernes, August 23.
Ang nasabing pag-ulan ang nagdulot ng matinding pagbaha sa malaking bahagi ng lalawigan.
Ayon kay Ilocos Norte Gov. Matthew Marcos Monotoc, ang normal na nararanasang dami ng tubig-ulan sa lalawigan kapag buwan ng Agosto ay 583 millimeters.
At noong araw lamang ng Biyernes ay umabot na sa 478 millimeters ang tubig-ulan na bumuhos sa lalawigan.
Halos pang-isang buwang dami na aniya ng tubig-ulan ang kanilang naranasan sa loob lang ng isang araw.
Ayon kay Monotoc, kahit ang kanilang mga imprastraktura ay handa gayundin ang kanilang disaster management ay masyado aniyang marami ang tubig-ulan na bumuhos sa lalawigan sa nasabing araw.
Sinabi ng PAGASA na ang naranasang pag-ulan sa Ilocos Norte ay dulot ng Bagyong Ineng at Habagat.