Pangulong Duterte masama ang pakiramdam, bigong makadalo sa aktibidad para sa National Heroes Day sa Taguig

By Chona Yu August 26, 2019 - 08:04 AM

Bigo si Pangulong Rodrigo Duterte na makadalo sa aktibidad para sa National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig.

Base sa orihinal na abiso ng Malakanyang sa mga mamamahayag, alas 8:00 ng umaga ay pangungunahan ng pangulo ang aktibidad sa LNMB.

Pero nagpaabot ng mensahe si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi na darating ang pangulo at si House Speaker Alan Peter Cayetano na lamang ang magbabasa ng kaniyang mensahe.

Sa panayam naman kay Senator Bong Go, masama ang pakiramdam ng pangulo at kailangan nitong magpahinga.

Kahapon ayon kay Sen. Go ay may mga private meeting ang pangulo at may mga nilagdaang dokumento.

Ayon kay Go, tuloy naman ang pagpunta ni Pangulong Duterte sa Calbayog City mamayang hapon para bisitahin ang mga labi ng isang nasawing sundalo

Tuloy din ang 5th visit ni Pangulong DUterte sa China sa Aug. 28 to Sept. 1.

TAGS: national heroes day, president duterte, president duterte's health condition, Radyo Inquirer, national heroes day, president duterte, president duterte's health condition, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.