Water level ng Angat dam malaki ang itinaas; kaunti na lang ang kulang para maabot ang minimum operating level
Malaki ang itinaas ng water level ng Angat dam sa nakalipas na magdamag.
Alas 6:00 ngayong umaga ng Lunes (Aug. 26) ay nasa 179.96 meters na ang water level ng Angat dam.
Kaunti na lang ang kulang nito para maabot ang minimum operating level na 180 meters.
Sa nakalipas na 24 na oras ay 1.33 meters ang nadagdag sa antas ng tubig ng Angat.
Samantala, ang Ipo dam naman ay nasa 101.05 meters ang water level ngayong umaga habang ang La Mesa dam ay nasa 76.88 meters.
Tumaas din ang antas ng tubig sa Ambuklao dam, Pantabangan dam, at Caliraya dam.
Habang nabawasan naman ang antas ng tubig sa Binga dam, San Roque dam, at Magat dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.