Sambayanan hinimok ni Pangulong Duterte na tumulad sa mga bayani

Hinimok ni pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino na gayahin ang mga kabayanihang ipinamalas ng mga ninuno para matamasa ang kalayaan ng bansa.

Sa mensahe ng pangulo ngayong National Heroes Day, sinabi nito na dapat na gunitian ng samabayanang Filipino ang kasaysayan ng bansa.

Ayon sa pangulo, ang sama-samang sakripisyo ng mga bayani ang naging dahilan para makamit ang kalayaan ng bansa.

Ayon sa pangulo, hindi lamang ang pagbibigay honor sa mga bayani ang dapat na gawin kundi ang pagtulong na rin sa mga mahihirap at sa mga nasa laylayan sa kahit sa maliliit na mabuting paggawa.

Naniniwala ang pangulo na kaya ng bawat Filipino na maging bayani sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa.

Hinimok din ng pangulo ang sambayanag Filipino na maging matatag habang sinusuong ang mga pagsubok para makamit ang pagbabago at mapakinabangan ng mga susunod ne henerasyon.

Umaasa ang pangulo na magkakaroon ng makabuluhang paggunita ang bansa sa Araw ng mga Bayani.

Tema ngayong taon ang “Pagkilala sa Bayaning Filipino: Matapang, Magiting at Makabayan”.

Read more...