Pito patay kabilang ang dalawang bata sa banggaan ng light aircraft at helicopter sa Mallorca, Spain

Nasawi ang pitong katao kabilang ang dalawang bata matapos magkabanggaan ang isang helicopter at isang light aircraft habang nasa ere sa Mallorca, Spain.

Nangyari ang aksidente sa central town ng Inca, Linggo ng hapon sa Spain.

Patay ang lahat ng sakay ng chopper at aircraft.

Base sa imbestigasyon, ang chopper ay may lulang mag-asawa at dalawa nilang anak at ang piloto, habang dalawa naman ang sakay ng aircraft.

Patuloy pa ang imbestigasyon kung paanong nangyari ang banggaan.

Read more...