Panibagong LPA pumasok na sa bansa, magiging bagyo sa susunod na 24 – 36 na oras
Magpapaulan ngayong araw sa ilang bahagi ng bansa ang Low Pressure Area at Habagat.
Ang LPA na binabantayan ng PAGASA ay nakapasok na ng bansa at huling namataan sa layong 770 East ng Guiuan, Eastern Samar.
Sa susunod na 24 hanggang 36 na oras ay magiging isang ganap na bagyo ang LPA at papangalanan itong Jenny.
Inaasahan ding tatama sa kalupaan ang bagyo sa bahagi ng Northern Luzon.
Ang buntot ng nasabing LPA at ang Habagat ay magpapaulan ngayong araw sa MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, CARAGA Region, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.
Ang mga residente ay pinapayuhang maging maingat sa posibleng flash floods o landslides.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.