‘New Year Babies’ isinilang sa Fabella Hospital

By Erwin Aguilon January 01, 2016 - 09:50 AM

Maricar Brizeula | Inquirer
Maricar Brizeula | Inquirer

Isang malusog na baby girl ang unang ipinanganak sa Dr. Fabella Memorial Hospital sa Maynila pagpasok ng taong 2016.

Ang tinaguriang ‘New Year Baby’ ay pinangalanang si Baby Kashmir na anak ng mag-asawang sina Wilson at Mary Ann Mancilla ng Kawit, Cavite.

Ayon kay Dr. Ching Rica, isinilang si Baby Kashmir alas 12:01 ng madaling araw ng January 1, 2016 at may bigat itong 3.1kg.

Sa kalagitnaan pa sana ng Enero ang due ni Mary Ann ngunit sa bespiras pa lang ng bagong taon ay sumakit na ang tiyan nito kaya dinala na sa Fabella Hospital.

Samantala, dakong alas 12:18 naman ng madaling araw nang isilang ang baby boy na si Demmark Ortiguesa na may bigat na 2.6kgs.

Gaya nang iba pang mga sanggol na isinisilang sa pagpapalit ng taon mayroong ilang mga munting regalong matatanggap sina Baby Kashmir at Baby Demmark gaya ng diaper, mga damit pambata at bed sheets.

Mula alas 12:01 hanggang alas 6:00 ng umaga kanina, 11 sanggol na ang isinilang sa Fabella Hospital pa lamang.

TAGS: New Year Babies, New Year Babies

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.