Nasamsam ang aabot sa P6.8 milyong pisong halaga ng shabu sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa parking lot ng isang restaurant sa Roxas Boulevard, Pasay City.
Ayon sa PDEA, timbog sa operasyon ang mga suspek edad 31 at 34, parehong taga-Marawi City at nagtatrabahong vendor.
Nakuha sa dalawa ang 10 plastic sachet ng shabu na may bigat na isang kilo at nakalagay sa grocery bag.
Isinailalim sa surveillance ang mga suspek at nakumpirma ang iligal na gawain ng mga ito.
Hinihinala ng PDEA na malalaking drug pusher ang parokyano ng mga suspek dahil sa dami ng droga na nakuha sa mga ito.
Posible umanong mga taga-southern part ng Metro Manila ang mga buyer ng mga suspek.
Inaalam na rin ng mga awtoridad ang pinagkukunan ng droga ng mga suspek.
Mahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.