US, Southeast Asian nations, magsasagawa ng kauna-unahang maritime drills
Magsasagawa sa kauna-unahang pagkakataon ang Estados Unidos at 10 Southeast Asian nations ng maritime exercises sa Setyembre upang pigilan ang umano’y posibleng ‘wrongdoing’ o maling gawi sa karagatan.
Ang pagsasagawa ng maritime drill ay sa gitna ng tumitinding pasiklaban ng US at China para makapang-impluwensya sa rehiyon.
Magugunitang noong 2018, nagsagawa rin ang China ng maritime exercises kasama ang ASEAN sa kabila ng sigalot nito sa apat na bansa dahil sa agawan ng teritoryo.
Sa anunsyo ng Thailand nitong weekend, ilulunsad ang maritime drills ng US at 10 ASEAN nations sa Thai naval base sa Chonburi Province sa September 2.
Sa hiwalay na pahayag ng US embassy, layon ng maritime drill na mapanatili ang maritime security at mapigilan ang posibleng maling gawi sa karagatan.
Sinabi naman ni Thai-defense ministry spokesperson Lieutenant General Kongcheep Tantravanich na walang kinalaman sa mga agawan sa teritoryo ang gagawing drills.
“We held exercises with China, now we are having exercises with the US… it has nothing to do with the current situation,” ayon sa Thai defense ministry spokesman.
Kabilang sa mga bansang may sigalot ang China sa isyu ng teritoryo ay ang Vietnam at Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.