DFA: Duterte, Xi marami pang pwedeng pag-usapan bukod sa agawan sa teritoryo
Iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na marami pang isyung pwedeng talakayin sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa kanilang nakatakdang pagkikita ngayong linggo.
Nauna nang sinabi ni Duterte na ididiga niya kay Xi ang arbitral ruling noong 2016 na pumapabor sa Pilipinas sa pag-angkin sa mga isla sa West Philippine Sea.
Sa isang panayam, sinabi ni DFA Assistant Secretary Meynardo Montealegre na malalim ang ugnayan ng China at Pilipinas kaya’t maraming isyu sa ekonomiya at ‘people-to-people exchanges’ ang pwedeng talakayin.
Desisyon naman anya ng pangulo kung ididiga ang arbitral ruling.
Ayon naman kay Chief of Presidential Protocol Robert Borje, oportunidad para sa dalawang lider na matalakay ang mga isyu sa bilateral relations.
Makailang beses nang isinantabi ni Pangulong Duterte ang arbitral ruling upang mapalalim ang relasyon sa China ngunit ipinangako nito na tatalakayin niya ito sa China sa takdang panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.