Dengue outbreak idineklara sa Surigao del Norte

By Rhommel Balasbas August 26, 2019 - 04:31 AM

Idineklara ang outbreak sa lalawigan ng Surigao del Norte matapos lumobo ang bilang ng natamaan ng dengue hanggang nitong buwan ng Agosto.

Sa tala ng Provincial Health Office, mula January 1 hanggang August 14, umabot na sa 1,174 ang dengue cases kung saan dalawa ang nasawi.

Sa kaparehong panahon noong 2018, 384 lamang ang naitalang kaso ng sakit.

Pinakamataas ang bilang ng dengue patients sa Surigao City na may 539; sinundan ng bayan ng Claver, 102; Placer, 63; Gigaquit, 61; San Francisco, 55; at Dapa, 51.

Dahil sa deklarasyon ng outbreak, sinabi ni Gov. Francisco “Lalo” Matugas na magagamit na ang calamity fund ng lalawigan para sa kampanya kontra dengue.

Inutusan ni Matugas ang lahat ng pampublikong ospital sa Surigao del Norte na palawigin ang libreng serbisyo at pagtulong sa mga dengue patients.

Ipinag-utos din sa mga lokal na pamahalaan ang pagpapalakas sa anti-dengue campaign.

TAGS: dengue outbreak, Gov. Francisco “Lalo” Matugas, surigao del norte, dengue outbreak, Gov. Francisco “Lalo” Matugas, surigao del norte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.