Pangulong Duterte pangungunahan ang National Heroes’ Day celebration

By Rhommel Balasbas August 26, 2019 - 04:30 AM

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita sa National Heroes’ Day ngayong araw sa Libingan ng mga Bayani, Fort Bonifacio sa Taguig City.

Tema ng National Heroes’ Day ngayong taon ay ang “Pagkilala sa Bayaning Pilipino: Matapang, Magiting at Makabayan”.

Ayon sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP), si Duterte kasama si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal Jr. ang mangunguna sa flag-raising at wreath-laying ceremonies ngayong alas-8:00 ng umaga.

Ang National Heroes’ Day ay unang ginunita taong 1931.

Mula 1931, itinakda ang holiday tuwing huling Linggo ng Agosto hanggang sa lagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Republic Act 9492 noong 2007 na naglilipat sa mga regular at nationwide special holidays sa susunod na araw kung papatak ito sa araw ng Linggo.

TAGS: libingan ng mga bayani, Magiting at Makabayan, national heroes day, Pagkilala sa Bayaning Pilipino: Matapang, Rodrigo Duterte, libingan ng mga bayani, Magiting at Makabayan, national heroes day, Pagkilala sa Bayaning Pilipino: Matapang, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.