Pay rules ngayong National Heroes Day, regular holiday
Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga pribadong employers na sumunod sa holiday pay rules para sa araw na ito.
Ngayong August 26, National Heroes Day ay isang regular holiday.
Sa ilalim ng pay rules, dapat na mabayaran ng mga employers ang kanilang mga manggagawa ng 200 percent ng kanilang sweldo para sa unang walong oras nilang trabaho.
Ang trabaho namang sumobra sa walong oras ay kinakailangang bayaran ng dagdag na 30 percent kada oras ng trabaho.
Kapag ang empleyado naman ay nagtrabaho pa rin kahit na araw ng pahinga at holiday, kailangan siyang mabayaran ng dagdag na 30 percent ng kanyang 200 percent daily rate.
Kung ang manggagawa ay hindi nagtrabaho ngayong araw ay makatatanggap pa rin siya ng 100 percent ng kanyang sahod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.