Presyo ng diesel at gasolina bababa, gaas tataas

By Rhommel Balasbas August 26, 2019 - 02:17 AM

May katiting na bawas-presyo ang mga kumpanya ng langis sa gasolina at diesel simula bukas, August 27.

Sa anunsyo ng Shell, Petro Gazz, PTT Philippines at Phoenix Petroleum, parehong may bawas na P0.10 ang kada litro ng diesel at gasolina.

May P0.10 na dagdag naman sa presyo ng kada litro ng kerosene o gaas ang Shell.

Epektibo ang price adjustments ng naturang mga kumpanya ng langis alas-6:00 ng umaga bukas, Martes.

Buena mano namang nagpatupad ng bawas-presyo ang Cleanfuel alas-4:01 pa lang ng hapon ng Linggo.

Mas malaki ang rollback ng Cleanfuel o P0.20 sa kada litro ng gasolina at P0.15 naman sa kada litro ng diesel.

Inaasahang mag-aanunsyo na rin ng galaw sa presyo ang ilan pang kumpanya ng langis ngayong araw.

TAGS: diesel, gaas, gasolina, kerosene, oil price adjustment, oil price hike, oil price rollback, diesel, gaas, gasolina, kerosene, oil price adjustment, oil price hike, oil price rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.