WATCH: Kwelang sagupaan ng Star Magic Stars sa All-Star Games 2019

Napuno ng halakhak ang Star Magic All-Star Games 2019 sa Araneta Coliseum araw ng Linggo.

Tampok sa sagupaan sa basketball court ang mga grupong It’s Showtime All Stars ni Vice Ganda at Star Magic Warriors nina Gerald Anderson at Daniel Padilla.

Ginawang katatawanan ni Vice Ganda ang laro kung saan may isang pagkakataon itong nagkunwaring bumagsak sa sahig dahilan para lamang matawagan ng foul si Daniel Padilla.

Nagpakilig din ang holding hands ni Vice Ganda kay Ion Perez habang naglalaro.

Pero sa kabila ng pagiging agresibo ng grupo ni Vice Ganda, wagi ang Star Magic Warriors sa iskor na 119-109.

Itinanghal bilang most valuable player si Anderson.

Read more...