4 patay, 1 nawawala sa banggaan ng dalawang bangka sa Rio Grande de Mindanao

Photo grab from Google Maps

Patay ang apat katao habang isa ang nawawala sa banggaan ng dalawang bangka sa Rio Grande de Mindanao, Sabado ng gabi.

Ayon kay Sultan Kudarat municipal administrator Banjo Mampon, narekober ang mga bangkay ng mga biktima sa bahagi ng Barangay Lugay-Lugay at Barangay Bucana sa Cotabato City.

Naganap aniya ang aksidente bandang 8:45 ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Pudi Giadel, Ustadz Elmie Norodin, Jomar Akir at Jowaina Saling.

Nakilala naman ang nawawalang biktima na si Sidik Esmael, residente ng Barangay Katidtuan sa bayan ng Sultan Kudarat.

Patuloy pa naman ang isinasagawang search and rescue operation para sa nawawalang pasahero.

Read more...