LOOK: Inihandang “Duterte-Traydor” effigy para sa National Heroes Day rally
Inaasahang libu-libong manggagawa ang makikiisa sa kilos-protesta kasabay ng paggunita ng Araw ng mga Bayani sa Lunes (August 26).
Sa Facebook, ibinahagi ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang larawan ng gagamiting “Duterte-Traydor” effigy sa kanilang programa na ‘Martsa ng Manggagawa.’
Ayon kay Jerome Adonis, secretary general ng KMU, nais ipakita sa effigy ang umano’y pagiging traydor ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga manggagawa pagdating sa kontraktuwalisasayon.
Layon din aniya nitong tutulan ang umano’y ginagawang black propaganda at pagdukot ng gobyerno para hindi sumali o bumuo ng mga unyon. Halimbawa aniya rito ang insidenteng nangyari sa Compostela Valley noong February 2019.
Makakasama ng KMU ang iba’t ibang labor group at koalisyon sa ilalim ng ‘United Workers’ sa Metro Manila.
Naghanda rin ang iba’t ibang chapter ng KMU sa mga probinsya para sabayan ang malawakang protesta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.