Pope Francis, nanawagan ng panalangin para makontrol ang sunog sa Amazon

By Angellic Jordan August 25, 2019 - 08:23 PM

Nanawagan si Pope Francis na mag-alay ng panalangin para agad makontrol ang sunog sa Amazon forest.

Sa idinaos na misa sa St. Peter’s Square, inihayag ng Santo Papa ang pagkabahala sa pagkasunog ng Amazon.

Malaki aniya ang naitutulong ng Amazon sa pamumuhay ng bawat tao sa mundo.

Paalala nito, ito aniya ang nagsisilbing baga ng mundo.

Nasa 44,000 na tropa ng pamahalaan para magkasa ng operasyon sa pag-apula ng sunog sa gubat.

Katuwang din sa operasyon ang ilang military aircraft para sa pagpapakawala ng tubig sa nasusunog na gubat.

TAGS: amazon, pope francis, sunog, amazon, pope francis, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.