P282M halaga ng imprastraktura at agrikultura, nasira sa Northern Luzon dahil sa Bagyong Ineng – NDRRMC
Umabot sa mahigit-kumulang P282 milyong halaga ng imprastraktura at agrikultura ang nasira sa Northern Luzon dahil sa Bagyong Ineng, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa nasabing halaga, sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na P263 milyon dito ay pinsala sa mga imprastraktura.
Nasa siyam na kalsada, apat na tulay at dalawang flood control structures ang nasira sa mga barangay sa Ilocos Norte.
Samantala, nasa P19,571,654 naman aniya ang nasira sa sektor ng agrikultura sa rehiyon.
Pinakamalaking pinsala aniya rito ang mga palayan na lumubog sa tubig-baha.
Hindi rin nakatakas ang ilang alagang hayop dahil sa matinding baha sa lalawigan.
Sa tala ng ahensya, dalawa katao ang nasawi habang dalawang iba pa ang nasugatan dahil sa bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.