Paglalagay ng bagong online service system sa POLO sa Hong Kong, pinaiimbestigahan ng DOLE

By Angellic Jordan August 25, 2019 - 05:37 PM

Pinaiimbestigahana ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga opisyal ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Hong Kong.

Ito ay kasunod ng paglalagay ng bagong online system sa labor office sa nasabing bansa.

Sa inilabas na pahayag, bumuo si Bello ng fact-finding team para tignan ang mga alegasyon sa umano’y paglalagay ng bagong service provider nang walang public bidding o konsultasyon.

Pinalitan ng bagong online system ang 11 taon nang ginagamit na system para sa mga real-time service sa overseas Filipino workers (OFWs).

Mayroon umano’y ‘haste’ o ‘lack of transparency’ sa solicitation ng proposal at pagbibigay ng bagong kontrata.

Hindi naman binanggit ng DOLE kung kailan sisimulan ang imbestigasyon.

TAGS: DOLE, Hong Kong, online service system, Philippine Overseas Labor Office, Sec. Silvestre Bello III, DOLE, Hong Kong, online service system, Philippine Overseas Labor Office, Sec. Silvestre Bello III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.