6 katao, sugatan sa kidlat sa Tour Championship Golf Tournament sa Atlanta

By Angellic Jordan August 25, 2019 - 03:26 PM

Sugatan ang anim katao nang tumama ang kidlat sa kasagsagan ng Tour Championship Golf Tournament sa Atlanta, Georgia.

Tumama ang kidlat sa ibabaw ng isang puno sa 16th hole at kumalat ang mga sanga nito.

Ayon kay James White III, tagapagsalita ng Atlanta Police, limang lalaki at isang babae ang nasugatan sa insidente.

Agad aniyang dinala ang mga biktima sa ospital para mabigyan ng lunas.

Dahil sa masamang panahon, pansamantalang sinuspinde ang ikatlong round ng PGA Tour event at itutuloy ang laro kasunod ang huling round bandang 8:00, Linggo umaga, oras sa Georgia.

Inabisuhan din ang mga tagahanga na sumilong muna mula sa 60-foot pine.

TAGS: atlanta, Atlanta Police, Georgia, kidlat, Tour Championship Golf Tournament, atlanta, Atlanta Police, Georgia, kidlat, Tour Championship Golf Tournament

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.