Panukalang batas para palitan ang pangalan ng Camp Aguinaldo, inihain sa Kamara

August 25, 2019 - 02:56 PM

Isinusulong ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na palitan ang pangalan ng headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na Camp General Emilio Aguinaldo patungong Camp General Antonio Luna.

Sa ilalim ng House bill 4047, target ni Pimentel na amyendahan ang Republic Act no. 4434 kung saan naipasa ito noong 1965 na pinalitan ang pangalan ng Camp Frank Murphy patungong Camp General Emilio Aguinaldo.

Napapanahon, ayon kay Pimentel, ang kaniyang panukala kasabay ng paggunita sa National Heroes’ day sa Lunes (August 26).

Base sa pagsasalarawan ng mga historian, si Luna ang pinakamatalino at pinakamagaling na Filipino generals noong Philippine-American war.

Si Luna ang nagsilbing chief of staff ng Philippine Revolutionary sa loob ng 134 na araw sa Philippine-American war hanggang sa araw ng kaniyang brutal assassination noong June 5, 1899.

TAGS: AFP, Camp General Antonio Luna, Camp General Emilio Aguinaldo, Rep. Johnny Pimentel, AFP, Camp General Antonio Luna, Camp General Emilio Aguinaldo, Rep. Johnny Pimentel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.