Tirso Cruz III, magiging bahagi ng pelikulang ‘Miracle in Cell no. 7’

Photo grab from @tirsocruziii/Instagram

Magiging bahagi ang batikang aktor na si Tirso Cruz III sa Filipino movie adaptation ng “Miracle in Cell no. 7.”

Gamit ang kaniyang Instagram account, nag-post ang aktor ng larawan kasama si Aga Muhlach kasabay ng pag-aanunsiyo ng gagawing bagong proyekto.

Nagpasalamat pa si Tirso sa Panginoon para sa aniya’y ibinigay na oportunidad para makatrabaho si Aga.

Napakaganda aniya ng istorya ng pelikula.

Makakasama rin nina Tirso at Aga sa pelikula si Bela Padilla.

Ang pelikula ay bahagi ng 2019 Metro Manila Film Festival.

Read more...