Metro Manila at ilang kalapit-lugar, uulanin pa rin
Makararanas pa rin ng katamtaman hanggang matinding buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Cavite, Laguna at Rizal.
Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 2:42 ng hapon, iiral ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Mararamdaman din ang kaparehong lagay ng panahon sa Metro Manila partikular sa Navotas, Valenzuela, Caloocan, Quezon City, Malabon, Manila, Pasay, San Juan at Mandaluyong.
Apektado rin ang Bataan; San Jose, Tarlac; San Antonio, Subic, Castillejos, Cabangan at Botolan sa Zambales; Obando, Bulacan, Malolos at Paombong sa Bulacan.
Uulanin din ang Lobo, Tanauan, Santo Tomas, Laurel, Agoncillo, Padre Garcia at Rosario sa Batangas; General Nakar, San Antonio, Tiaong sa Quezon.
Magiging masungit din ang panahon sa Angeles City, Porac, Mabalacat, San Fernando, Mexico, San Luis at Candaba sa Pampanga; Gabaldon at Laur sa Nueva Ecija.
Inabisuhan naman ng weather bureau ang mga apektadong residente na maging maingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.