2 wanted na Koreano, naharang sa NAIA

By Clarize Austria August 25, 2019 - 02:10 PM

Napigilan ng mga awtoridad ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpuslit ng dalawang Korean national na wanted sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon sa ulat ng BI, nakita nila ang pangalan ng dalawang suspek sa watch list ng pinaghahanap na pugante.

Matagal ng tinutugis ng mga awtoridad ang dalawang na nakilalang sina Kim Sungwan, 26 anyo, at Kim Sung Young, 53 anyos dahil sa kasong panloloko o fraud.

Naharang si Sungwan noong August 14 kung saan papunta sana siya ng Kuala Lumpur Malaysia.

Naharang si Young sa Cebu na nagtangkang pumasok sa Pilipinas gamit ang ninakaw na passport.

Si Young ay pinaghahanap ng pulisya sa Korea dahil sa fraud case na umabot ang halaga ng pinsala sa 20 million won.

Nasa kustodiya na ng BI ang dalawa at inaasikaso na ang mga dokumento para sa deportasyon.

TAGS: alawang Korean national na pugante, Bureau of Immigration, alawang Korean national na pugante, Bureau of Immigration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.