P16B pondo kailangan para sa ROTC ayon kay Rep. Nograles
Mangangailangan ng P16 bilyon pondo ang pamahalaan para mapondohan ang mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) para sa mga senior high school.
Ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-List Rep. Jericho Nograles, mayroong 4 na milyong grade 11 at grade 12 na mag-aaral sa senior high school na maaapektuhan ng mandatory ROTC.
Kinakailangan ng mga estudyante ng maayos na sinturon, uniporme, at iba pang kagamitan sa nasabingtraining.
Tinatayang nagkakahalaga ng P4,000 ang bawat uniporme para sa isang estudyante.
Si Nograles ay ang nagpanukala sa Kamara na gawing mandatory ang ROTC para sa mga senior high students sa pampubliko at pribadong paaralan.
Paghahanda aniya ang ROTC para sa depensa ng bansaay hindi lang para sa kaalaman.
Ani Nograles, kulang ang nasa 70,000 reserves lamang at 120,000 na active na sundalo para depensahan ang Pilipinas.
Dagdag pa ng kongresista, may ROTC man owala ay nararapat talakayin sa Kamara ang seguridad ng bansa.
Himimok ni Nograles ang mga estudyante at alumni ng ROTC na makilahok sa diskusyon sa muling pagbuhay ng mandatory training.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.