Paglaya ni Mayor Sanchez posibleng maantala ayon sa DOJ

By Ricky Brozas August 25, 2019 - 12:42 PM

Posibleng ikonsedera ng Department of Justice ang suspensiyon ng pagproseso sa mga aplikasyon sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) grants sa mga preso.

Pahayag ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa gitna ng mga batikos sa posibilidad na paglaya ni dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez na hinatulang ng pitung bilang ng habambuhay na parusang pagkakakulong.

Si Sanchez ang pangunahing akusado na hinatulang guilty sa rape-murder case kay Eileen Sarmenta at pagpatay kay Allan Gomez noong 1993.

Ayon sa kalihim, magiging pansamantala lamang ang nasabing pagpapahinto at kinakailangan lamang na maghintay nang kaunti pang panahon ng mga bilanggong nag-apply ng GCTA.

Sabi ni Guevarra, kailangan pang i-recompute ang mga isinilbi sa piitan ng mga nag-apply ng GCTA.

Una nang sinabi ni Guevarra, na maaari umanong mapalaya si Sanchez dahil sa nasabing batas.

TAGS: dating calauan laguna antonio sanchez, Good Conduct Time Allowance (GCTA) grants sa mga preso, paglaya ni sanchez, rape-murder case kay Eileen Sarmenta at pagpatay kay Allan Gomez, dating calauan laguna antonio sanchez, Good Conduct Time Allowance (GCTA) grants sa mga preso, paglaya ni sanchez, rape-murder case kay Eileen Sarmenta at pagpatay kay Allan Gomez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.