Pambato ng Pilipinas, wagi sa Miss Tourism Queen of the Year pageant

12473988_1234181529931442_7956675934614605519_o
Photo Credit: Missosology.org

Bago maghiwalay ang taon, nakapag-uwi pa ng isa na namang titulo sa international beauty pageant ang Pilipinas.

Ito ay matapos manalo ang pambato ng bansa na si Leren Mae Bautista sa Miss Tourism Queen of the Year Pageant na ginanap kagabi sa Putra Jaya, Malaysia.

Ang nasabing pageant ay nilalahukan ng 60 bansa iba’t ibang panig ng mundo.

Si Miss India ang itinanghal na Dream Girl of the Year International, si Miss Iceland bilang Miss Tourism Cosmopolitan International, si Miss Lithuania bilang Miss Tourism Global International, at si Miss Uganda bilang Miss Tourism Metropolitan International.

Ang taong 2015 na ang itinuturing na pinakamabungang taon sa Pilipinas sa larangan ng beauty pageant.

Ang pagkakapanalo kasi ni Bautista ang ika-anim na international beauty title para sa bansa.

Kabilang sa mga nakapag-uwi ng korona sina Ann Colis bilang Miss Globe, si Cindy Madumma-Miss Scuba International, Angelia Ong-Miss Earth at si Pia Wurtzbach bilang Miss Universe.

Habang ang transgender na si Trixie Maristela ay naiuwi din ang korona sa pinakamalaking beauty pageant para sa mga transgender na Miss Queen International.

Read more...