1 patay, 7 iba pa huli matapos ang sagupaan ng militar at NPA sa Ozamiz City

By Chona Yu August 25, 2019 - 12:28 PM

Patay ang isang miyembro ng New Peoples Army (NPA) habang pitong iba pa ang arestado matapos makasagupa ang tropa ng militar at pulis sa Barangay Bagacay at Cogon sa Ozamiz City Linggo ng umaga.

Ayon kay Liuetenant Colonel Ray Tiongson, ang kumander ng 10th Infantry Battalion ng Philippine Army, rumesponde ang mga pulis at militar sa sumbong ng mga residente na may presensya ng rebelng grupo.

Gayunman, agad na nagkaroon ng palitan ng putok ang dalawang grupo.

Unang nakasagupa ng militar ang rebeldeng grupo sa Barangay Bagacay.

Nagkahabulan aniya hanggang sa umabot sa Barnagay Cogon kung saan naka engkwentro naman ang militar at mga miyembro ng 2nd Philippine National Police (PNP) Mobile Force Company.

Napatay sa englwentro ang isang rebelde habang naraesto ang pito.

Sugatan naman ang dalawang sundalo.

Nakuha sa mga rebelde ang isang M16 rifle, apat na kalibre .45 baril, pitong granada, tatlong motorsiklo at iba pang uri ng mga pampasabog.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang mga pulis at militar paratugisin ang iba pang nakatakas na mga rebelde.

TAGS: 1myembro ng npa patay 7 arestado, nagkasagupa ang tropa ng militar at pulis, New Peoples Army (NPA) member patay, 1myembro ng npa patay 7 arestado, nagkasagupa ang tropa ng militar at pulis, New Peoples Army (NPA) member patay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.