Dating Pangulong Ferdinand Marcos, hindi payag sa mandatory ROTC—Imee Marcos

By Clarize Austria August 25, 2019 - 11:18 AM

Hindi umano sang-ayon si dating Pangulong Ferdinand Marcos na gawing mandatory Reserve Officers’ Training Program (ROTC).

Ayon ito kay Senator Imee Marcos na tumututol din sa pagbuhay muli ng mandatory ROTC para sa mga mag-aaral ng senior high school.

Ani Imee, bagamat nagpalabas ng Executive Order 59 series of 1967 na compulsory ROTC sa mga mag-aaral sa kolehiyo ngunit alangan din umano ang kaniyang ama.

Sabi umano ng ama ni Imee, hindi mapipilit ang mga bata na sumali sa ROTC kung ayaw nila.

Isinusulong naman ni Imee na gawin na lang optional sa mga paaralan ang ROTC upang maging makabayan ang mga mga estudyante.

Magugunita na State of the Nation Address (SONA) ay hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mambabatas na muling buhayin ang ROTC sa mga paaralan.

TAGS: dating Pangulong Ferdinand Marcos, hindi sang-ayon sa mandatory ROTC, Senator Imee Marcos na tumututol din sa pagbuhay muli ng mandatory ROTC para sa mga mag-aaral, dating Pangulong Ferdinand Marcos, hindi sang-ayon sa mandatory ROTC, Senator Imee Marcos na tumututol din sa pagbuhay muli ng mandatory ROTC para sa mga mag-aaral

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.