Pagasa: Bagong LPA, malaki ang tyansa na maging bagyo

By Clarize Austria August 25, 2019 - 10:38 AM

Malaki ang posibilidad na maging bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan sa 1,695 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Gener Quitlong, weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), nasa 50 to 70 percent ang tyansang maging bagyo ito na tatawaging ‘Jenny.’

Inaasahan na papasok ang LPA sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi o bukas ng umaga.

Ayon kay Quitlong, maaaring maging ganap na bagyo ito Martes o Miyerkules sa susunod na linggo na posibleng maglandfall sa Northern at Central Luzon.

Wala namang ibang namataan na ibang sama ng panahon.

Patuloy namang pauulanin ng hanging habagat ang kanlurang bahagi ng North at Central Luzon.

Gaganda na aniya ang lagay ng panahon partikular sa Ilocos Region, Zambales, Mimaropa, at Metro Manila sa mga susunod na oras.

Nakataas pa rin ang gale warning sa mga nasabing lugar na magdadala ng malalaking alon sa mga karagatan.

TAGS: 695 kilometro silangan ng Hinatuan, LPA sa 1, Malaki ang posibilidad na maging bagyo ang LPA, surigao del sur, weather update, 695 kilometro silangan ng Hinatuan, LPA sa 1, Malaki ang posibilidad na maging bagyo ang LPA, surigao del sur, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.