Pag-angkin ng China sa WPS, ‘fake news of the century’—Carpio

By Clarize Austria August 25, 2019 - 09:32 AM

Tinagurian ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na ‘fake news of the century’ ang pag-angkin ng China sa West Philippine Sea (WPS)

Ayon Kay Carpio, hindi dapat mapunta sa China ang WPS at sa mga kalapit bansa na pasinungalingan ang claim ng China sa nasabing karagatan.

Dagdag pa niya, inaangkin na ng China ang teritoryo 2,000 taon na ang nakalilipas bago pa ang claims ng ibang bansa sa disputed waters.

Paliwanag ng hukom, sa ilalim United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), lahat ng historic rights are hindi ikinukunsidera.

Dahil sa maling impormasyong ikinakalat ng China, nakikita aniya ng mga Tsino ang pag-aangkin ng China sa mgakaragatan bilang pag-exercis ng kanilang historic rights.

Pinabulaanan din ni Carpio na sa lumang mapa ng mga Chinese iskolar at experto, hanggang sa probinsya ng Hainan lang ang abot ng teritoryo ng Qing Dynasty mula 1644 hanggang 1912.

Sinabi rin ni Carpio na kailangan ng mga Pilipino na pag-aralan ang karapatan sa nasabing teritoryo dahil may ilang mga eksperto na unang pinaniwalaan na ang China ang may-ari sa WPS.

TAGS: pag-angkin ng China sa West Philippine Sea (WPS), Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, West Philippine Sea (WPS), pag-angkin ng China sa West Philippine Sea (WPS), Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, West Philippine Sea (WPS)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.