14 katao na-trap dahil sa Tropical Storm ‘Bailu’

By Clarize Austria August 25, 2019 - 09:10 AM

Na-stranded ang 14 na turista sa Haulin county sa Taiwan makaraang pumasok ang bayong Ineng o ang international name nito na Bailu umaga ng Linggo, August 25.

Nagdala ng malalakas na pag-ulan at hangin na umabot sa 118 kilometro kada oras sa kanlurang bahagi ng Taiwan.

Nasa 450 katao ang inilikas sa isla at nawalan ng kuryente ang mahigit sa 12,000 kabahayan Sabado ng hapon.

Anim ang naitalang nasugatan kabilang ang isang 79 anyos na lalaki na sumemplang sa motorsiklo at isa pang lalaki na lumipad sa kaniyang tahanan.

Inaaasahan naman na dederetso ang bagyong Ineng o Bailu sa probinsya ng Fujian sa southeast China umaga ng linggo.

TAGS: bayong Ineng o ang international name nito na Bailu, Na-stranded ang 14 na turista sa Haulin county sa Taiwan, bayong Ineng o ang international name nito na Bailu, Na-stranded ang 14 na turista sa Haulin county sa Taiwan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.